Ni-revoke ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng rider na huminto sa gitna ng isang intersection.
Batay sa viral video, makikitang huminto ang rider at bumaba ng kaniyang motorsiklo upang paabantehin ang ibang mga motorista kahit naka-red traffic light.
Naging agresibo umano ang rider nang tumanggi ang mga motorista na lumabag sa batas-trapiko.
Pinagpaliwanag ng LTO ang rider, at matapos ang imbestigasyon ay napagpasyahang lumabag ito sa mga umiiral na batas-trapiko, dahilan upang bawiin ang kaniyang driver's license.
📷: Silinyador PH



