Na-repatriate na ang limang Pilipinong crew ng M/V Inase bulk carrier na inatake sa Black Sea, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Matatandaang una nang nakauwi sa Pilipinas ang pitong Pinoy na tripulante ng naturang bulk carrier noong Hulyo 31.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DMW sa iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong seafarer.
📷: DMW

