Nasa 6,316 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong #LuisPH, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).
Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ang Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa OCD, wala namang napaulat na nasawi o nasugatan dahil sa bagyo. Samantala, pitong lugar ang nakaranas ng pagbaha sa Zamboanga Peninsula at BARMM.
📷: Jaime David



