Nasawi ang dalawang tao nang magbanggaan ang dalawang helicopter na tumutulong sa pag-apula ng malawakang wildfire sa Agios Konstantinos, Greece.
Ayon sa mga awtoridad, isang Greek at isang Danish national na parehong sakay ng isang helicopter ang nasawi, habang nakaligtas naman ang dalawang crew mula sa kabilang helicopter.
Sinisimulan na ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng banggaan habang nagpapatuloy ang operasyon sa pag-apula ng wildfire na sumira sa mahigit 100 kabahayan.
📸: Reuters




