Nasawi ang isang menor de edad na babae nang makuryente habang nagja-jogging sa Barangay Dumolog, Roxas City, Capiz nitong Linggo, Agosto 2.
Ayon sa pulisya, pansamantala umanong nagpahinga ang biktima at sumandal sa isang metal na bagay nang makuryente ito. Pinaniniwalaang may live electrical line na nakakabit sa naturang metal. Idineklarang dead on the spot ang biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. | via Ely Dumaboc
📸: Kasayuran sa Katawhan



