Naaresto ang magkasintahang nagnakaw sa loob ng Senate compound matapos mahuling nagsusugal sa Diokno Boulevard, Pasay City.
Ayon sa pulisya, naaresto rin ang dalawa pa nilang kasama sa ilegal na pagsusugal. Nakumpiskahan din ng hinihinalang shabu ang mga suspek.
Nabenta na umano ng magkasintahan ang ilan sa mga ninakaw na kagamitan, ngunit nabawi ng mga awtoridad ang isang 50-inch TV, dalawang printer, at isang cellphone.
📷: Pasay City Police

