Sugatan ang limang katao matapos magbanggaan ang isang SUV at e-taxi cab sa Kawit, Cavite.
Ayon sa mga sakay ng SUV, binabaybay nila ang Centennial Road nang biglang tumawid ang e-taxi cab, dahilan upang magsalpukan ang dalawang sasakyan.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang SUV sa kabilang linya ng kalsada. Nagtamo naman ng mga galos sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan ang limang sakay ng SUV.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng insidente.
| via Jude Balmes




