Nakinabang ang mahigit 3.54 milyong commuter sa buong bansa sa "Libreng Sakay" program ng Office of the Vice President (OVP) mula nang ilunsad ito noong 2022.
Kasabay ng ikaapat na anibersaryo ng programa ngayong Agosto 3, namahagi ang OVP ng 5,000 Libreng Sakay tokens sa mga pasahero sa piling ruta sa Metro Manila, Cavite, Bacolod, Tacloban, Metro Cebu, at Metro Davao.
Ayon sa OVP, nagpapatuloy ang operasyon ng Libreng Sakay tuwing Lunes hanggang Sabado, mula 5:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.
📷: Office of the Vice President of the Philippines



