Hindi na madaanan ng mga sasakyan ang detour sa Sagana Bridge sa Brgy. Sagana, Laur, Nueva Ecija matapos itong tibagin ng lokal na pamahalaan dahil sa rumaragasang tubig ng ilog dulot ng Bagyong #LuisPH at pinalakas nitong habagat.
Ayon sa Laur LGU, isinagawa ang pagbaklas sa detour upang malayang makadaloy ang tubig at maiwasan ang mas malawak na pagbaha sa mga karatig na lugar.
Pansamantalang pinahintulutang dumaan ang mga motorista sa Nauzon Road bilang alternatibong ruta papunta at mula sa Cabanatuan City.
Nakaranas na rin ng pagbaha sa ilang bahagi ng bayan kaya suspendido ang klase mula preschool hanggang senior high school bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan.
| via Jim Tejano


