Naranasan ang magnitude 5.6 na lindol sa karagatan sa baybayin ng Guatemala nitong Martes ng umaga, Nobyembre 10, na nagdulot ng pagyanig sa mga gusali sa Guatemala City.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang lindol 43 kilometro sa timog ng Puerto San Jose, sa lalim na 35 kilometro.
Wala namang paunang ulat ng malawakang pinsala o nasawi. Naramdaman din ang pagyanig sa El Salvador at Nicaragua, ngunit walang banta ng tsunami, ayon sa mga awtoridad ng El Salvador.
📸: ResearchGate

