Nagpahiwatig si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na may mga umano’y iba pang “big fish” ang huhulihin na sangkot sa maanomalyang flood control scam.
“Marami nang nakakulong ngayon na big fish at sabi nga ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, malapit nang mahuli ‘yung mga lalong malalaking isda,” pahayag ni Dizon.
Batid ni Dizon na naiinip na ang mga Pilipino dahil sa tagal nilang masampahan ng kaso, ngunit pinaliwanag naman niya na pinatitibay lamang ang mga asunto sa kanila upang hindi agad makalaya.
Matatandaang kabilang sina Presidential cousin at dating House Speaker Martin Romualdez at Sen. Chiz Escudero sa binabalak ng Ombudsman na kasuhan ng plunder.
📸: Escudero / Romualdez



