Nasawi ang dalawang Pilipinong tripulante, habang may isang nawawala, at 12 iba pa ang sugatan matapos tamaan ng Russian drone strikes ang ilang barko sa Black Sea nitong nakaraang dalawang linggo, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa ulat ng ahensya, nasa kabuuang 139 Pilipinong tripulante na sakay ng siyam na commercial vessel ang sangkot sa insidente sa hilagang bahagi ng Black Sea, malapit sa Ukraine. Karamihan sa mga barko ay nagtamo ng pinsala mula sa drone attacks habang ang ilan ay tinamaan habang nakadaong o nakaangkla.
Patuloy naman ang paghahanap sa nawawalang seafarer habang mino-monitor ng DMW ang kalagayan ng mga sugatan at pino-proseso ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.
📸: Reuters



