Sa pagdinig sa Sandiganbayan, sinabi ng DPWH engineer na si John Carlo Rivera na nasa ₱22.25 bilyon ang halaga ng mga proyekto sa Bulacan na may kaugnayan sa umano’y kickback na nakapangalan kay Zaldy Co.
Ayon kay Rivera, tinatayang ₱5.56 bilyon ang umano’y kickback, katumbas ng 25 porsiyento ng halaga ng mga proyekto mula 2022 hanggang 2025.
Personal ding nangolekta at nagbilang si Rivera ng perang mula sa mga kontratista at kay dating DPWH engineer Brice Hernandez. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
Nagbigay ng testimonya si Rivera sa pagdinig sa petisyon ni dating House Speaker Martin Romualdez na makapagpiyansa sa kasong plunder.



