Naghihintay pa rin sa labas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga kaanak ng mga inaresto sa kasagsagan ng rally nitong Linggo.
Nasa 219 ang mga detainee, kabilang ang 21 na menor de edad, na inaresto.
Hinaing ng mga magulang na hindi pa rin sila pinapayagang makapasok upang makita ang kanilang mga anak. Mga abogado pa lamang ang pinapapasok sa loob ng pasilidad.
via Mae Vitales



