Hindi sang-ayon ang maraming Pilipino sa isinusulong na "Pax Silica" na binanggit sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27.
Ang Pax Silica ay isang inisyatibong pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang industriya ng artificial intelligence (AI) at semiconductors.
Gayunman, ikinababahala ng ilang grupo ang posibleng epekto nito sa kalikasan, supply ng tubig at kuryente, at ang posibilidad na madamay ang Pilipinas sa alitan ng mga malalaking bansa.
📸: Philippine News Agency


