Hindi pinanood ni Vice President Sara Duterte ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27. Sinabi ni VP Sara na wala rin siyang planong basahin ang nilalaman o buod nito.
Ayon kay VP Sara, itinuturing niyang “pag-aaksaya ng oras ng mga Pilipino” ang SONA ng Pangulo.
Kinuwestiyon din ni Duterte ang pahayag ni Marcos Jr. tungkol sa nalalapit na pagsasampa ng kaso laban kay dating Speaker Martin Romualdez kaugnay ng korapsyon sa flood control projects.
Nasa The Hague, Netherlands si VP Sara para bisitahin ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.




