Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa House of Representatives na amyendahan ang umiiral na income tax system sa pamamagitan ng pagtaas ng tax-exempt annual income mula ₱250,000 gawin itong ₱350,000.
Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na layunin ng panukala na mabawasan ang pasanin sa buwis ng milyun-milyong manggagawa.
Iminungkahi rin niya ang pagbaba ng income tax para sa iba pang mga kumikita ng maliit na sahod, tax exemption para sa maliliit na negosyo sa corporate income tax, at pagpapalawak ng tax amnesty para sa mga hindi nabayarang buwis, kabilang ang income, estate, donor’s, at value-added tax (VAT).
📸: Philippine News Agency

