Dismayado ang ilang mambabatas dahil hindi nabanggit sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27, ang ilang hakbang na inaasahan nilang makatutulong sa pagharap sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa kanila, bagama’t kinilala ng Pangulo ang problema sa mataas na presyo ng mga bilihin, hindi nabanggit sa kaniyang talumpati ang panukalang ₱200 dagdag-sahod para sa mga manggagawang Pilipino at pagbaba ng value-added tax (VAT) sa 10%.




