Sinabi ni dating House Speaker Martin Romualdez na iginagalang niya ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalimang State of the Nation Address (SONA), kahit masakit umano ito para sa kanilang pamilya.
Kasunod ito ng pagbanggit ng Pangulo na malapit nang sampahan ng patong-patong na kaso ng Ombudsman si dating House Speaker kaugnay ng anomalya sa mga flood control project.
Iginiit naman ni Romualdez na susunod siya sa tamang proseso at handa siyang patunayan na wala siyang sala.
“Masakit man ito sa aming pamilya, iginagalang ko ang naging pahayag ng Pangulo. Naninindigan akong wala akong ginawang anumang labag sa batas. At handa akong patunayan ito,” ani Romualdez.




