Binatikos ni Senador Imee Marcos ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular ang pahayag nitong malapit nang kasuhan ng Ombudsman ang dating House Speaker na si Martin Romualdez.
Ayon kay Sen. Imee, isa lamang umanong pambubudol ang pahayag ng kaniyang kapatid. Kinuwestiyon din niya kung bakit mabilis umanong nasasampahan ng kaso ang ilang senador at iba pang kritiko ng administrasyon, habang mabagal naman ang aksyon laban sa mga kaalyado nito.
Iginiit din ng senadora na hindi lamang si Romualdez ang dapat managot kaugnay ng korapsyon sa pamahalaan.
Matatandaang kabilang si Imee sa mga miyembro ng minorya sa Senado na hindi dumalo sa ikalimang SONA ni PBBM kahapon.



