Huli ang isang empleyado ng Cauayan Airport sa Isabela matapos umanong magbiro tungkol sa bomba na nagdulot ng pangamba sa mga pasahero noong Biyernes, Hulyo 24.
Sa imbestigasyon, sinabi ng empleyado na may bomba sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang papasok ito sa paliparan. Agad nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (Avsegroup) kasama ang PNP Explosive Ordnance Disposal at K9 Unit, ngunit walang nakitang pampasabog o delikadong bagay sa sasakyan.
Dahil dito, inaresto ang empleyado dahil sa paglabag sa Anti-Bomb Joke Law.



