Duguan ang isang raliyista matapos mabagsakan ng bakal sa ulo habang nagpapahinga sa footbridge ng COA sa Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Hulyo 27.
Ayon sa mga saksi, inuuga umano ng isang bata ang bakal hanggang sa ito ay mahulog at tumama sa babaeng nagpapahinga sa ibaba.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod sa ospital ang biktima.
| via Retchel Micu


