Itinampok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang Pax Silica Initiative, na inaasahang lilikha ng maraming trabaho at magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa Pangulo, ang naturang hub ay magiging bahagi ng Luzon Economic Corridor at magsisilbing sentro ng manufacturing, logistics, at paggamit ng artificial intelligence (AI).
Kasabay nito, inanunsiyo rin ni Pangulong Marcos na itatayo sa Cagayan ang kauna-unahang spaceport ng Pilipinas. Nakatakda ring isagawa rito ang unang sounding rocket launch test sa susunod na taon katuwang ang isang aerospace company mula sa South Korea.
Gayunman, mariing tinututulan ng ilang grupo at mga mambabatas ang Pax Silica dahil sa pangambang makaaapekto ito sa kalikasan, lalo na sa malaking konsumo nito sa tubig at kuryente.



