BANGKAY NG BABAENG ISINILID SA MALETA, NATAGPUAN SA CREEK.
Natagpuan ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na nakasilid sa loob ng isang asul na maleta sa isang creek sa Purok 5, Barangay Tanyag, Taguig City, bandang 12:30 ng tanghali noong Hulyo 24.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa 35 hanggang 40 taong gulang ang biktima.
Isinailalim na sa autopsy ang bangkay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Nananawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyong makatutulong sa pagkilala sa biktima na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. | via Jim Tejano

