Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa impormal na sektor at self-employed, na regular na maghulog sa SSS at Pag-IBIG Fund upang matiyak ang kanilang pinansyal na seguridad sa hinaharap.
Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kahapon, sinabi ng Pangulo na nasa 44 milyong Pilipino na ang sakop ng SSS.
Iniulat din niyang 500,000 pabahay na ang naipatayo o napondohan ng pamahalaan, habang itinaas ng Pag-IBIG Fund ang maximum housing loan sa ₱10 milyon kada miyembro.
Dagdag pa rito, halos pitong milyong OFWs na umano ang may insurance, at itinaas na rin ang minimum wage ng mga overseas domestic workers, gayundin ang pension at subsistence allowance ng mga retiradong uniformed personnel.
📸: SSS




