Nagpaabot ng agarang tulong ang Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP DOC) sa halos 4,000 pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon sa opisyal na pahayag ng tanggapan, isinagawa ang serye ng disaster relief operations mula Agosto 3 hanggang 7 upang matulungan ang mga residenteng sinalanta ng habagat (Southwest Monsoon).

Mabilis na naipamahagi ng OVP ang relief goods sa tatlong pangunahing lugar sa lalawigan na labis na napinsala ng pagbaha: Dingras (1,500 pamilya), Batac City (1,330 pamilya) at Paoay (halos 1,200 pamilya).
"Sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng kalamidad, nananatiling katuwang ng bawat Pilipino ang OVP sa paghahatid ng maagap, makatao, at may malasakit na serbisyo, upang matiyak na walang pamilyang maiiwan sa oras ng pangangailangan," pahayag ng OVP.


