aAs of 8:00 a.m. ngayong Lunes, Agosto 10, nasa mahigit 38,000 customers ng Meralco ang wala pa ring kuryente dahil sa masamang panahon at pagbaha sa ilang bahagi ng franchise area nito.
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, patuloy ang pagtugon ng kanilang mga tauhan sa mga lugar na apektado ng pagkawala ng supply ng kuryente.


