"PANGITI-NGITI LANG SILA"
Dismayado si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mabagal umanong takbo ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ayon kay Magalong, senador pa lamang umano ang “nagagalaw” sa imbestigasyon, habang wala pa ring nakukulong sa mga kongresistang posibleng sangkot sa katiwalian.
Giit niya, kakaunti pa lamang ang naihahain umanong kaso kumpara sa dami ng mga anomalya sa mga flood control project.


