Pansamantalang hindi magagamit ang ilang elevator at escalator sa mga istasyon ng MRT-3 ngayong Lunes, Agosto 10, dahil sa malakas na pag-ulan, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Narito ang mga apektadong pasilidad:
- Araneta-Cubao Station – Elevator (NB) at escalator
- Boni Station – Elevators (NB at SB)
- Guadalupe Station – Elevators (NB at SB)
- Buendia Station – Elevator (SB) at escalator
- Ayala Station – Mga escalator
- Magallanes Station – Elevators (NB at SB) at escalator (NB)
- Taft Ave. Station – Elevator (SB)
Pinapayuhan ang mga commuter na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe at mag-ingat habang bumibiyahe.
📷: DOTr MRT-3

