Hindi kinaya at nasira ang bagong gawang river control project sa Nanguneg West, Narvacan, Ilocos Sur dahil sa rumaragasang tubig sa ilog bunsod ng malakas na ulan kahapon, Agosto 9.
Katatapos lamang umanong gawin noong Hulyo ang river wall na nakadugtong sa tulay.
Kasalukuyan namang naghuhukay ang mga awtoridad upang makagawa ng pansamantalang daanan ng tubig at mabawasan ang pressure sa river control structure.
📹: Bea Dominguez

