Mahigpit na binabantayan ngayong Lunes, Agosto 10, ang ilang lugar sa Plaridel, Bulacan, matapos umapaw ang tubig sa Bustos Dam.
Ayon sa pinakahuling datos ng Bulacan PDRRMO as of 11:22 a.m., nasa 16.36 meters na ang antas ng tubig sa Bustos Dam, habang 17.70 meters ang spilling level nito.
Samantala, nasa 2.80 meters na ang tubig sa Alejo Bridge sa Bustos, lagpas na ito sa 2-meter alert level.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon dahil sa posibleng pagtaas pa ng tubig sa mga low-lying at downstream na lugar.
📹: Emman Tejano via Jim Tejano

