Hinamon ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang lahat ng sangkot sa bilyong halagang flood control scam.
Pahayag ito ni Tiangco matapos i-recant o bawiin ng apat sa 18 umano'y ex-marine at bagman ni dating Rep. Zaldy Co ang kanilang testimonya hinggil sa mga umano'y anomalya sa flood control projects, kung saan idinadawit nila si Presidential cousin Rep. Martin Romualdez.
Giit ni Tiangco, sinimulan na ng Pangulo ang laban kontra sa umano'y anomalya sa flood control projects at dapat itong ituloy hanggang sa mapanagot ang lahat ng sangkot.
📷: NET25 News and Information

