Umabot sa 2,424 silid-aralan sa buong bansa ang napinsala ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat, ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Service ng Department of Education (DepEd).
Kabilang dito ang:
- 403 silid-aralan na tuluyang nasira
- 505 silid-aralan na nagtamo ng matinding pinsala
- 1,516 silid-aralan na bahagyang napinsala
Sa kasalukuyan, bineberipika ng DepEd ang datos upang matukoy ang mga paaralang dapat unahing linisin at agad na makumpuni.
📷: DepEd Sta. Barbara Elementary School

