Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga awtoridad sa creek sa bahagi ng Pag-asa St., Camarin Area A, Caloocan City kasunod ng ulat ng isang drowning incident bandang 11:00 ng umaga ngayong Agosto 10.
Ayon sa ulat, naligo sa creek ang limang kabataan, kabilang ang biktima, nang biglang lumakas ang agos ng tubig dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Kumapit pa umano ang biktima sa isa niyang kasamahan matapos mapagod at pulikatin, ngunit hindi na niya kinaya at tuluyang tinangay ng agos.
Ligtas namang nakaahon ang apat niyang kasamahan.
📹: Jan Evan Villanueva


