As of 11:00 a.m. ngayong Lunes, Agosto 10, umabot na sa 80.11 meters ang water level ng La Mesa Dam, 0.04 meters na lamang bago maabot ang 80.15-meter overflow spilling level, ayon sa PAGASA.
Pinapayuhan ang mga residente sa low-lying areas na sakop ng Tullahan River sa Quezon City, Caloocan, Valenzuela, Malabon, at Navotas, partikular ang mga nakatira malapit sa ilog, na manatiling alerto sa posibleng flash floods.
Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang water level ng dam.
📷: PAGASA


