Isinailalim sa state of calamity ang Negros Oriental dahil sa pagdami ng red-striped soft scale insect (RSSI) na sumisira sa mga taniman ng tubo.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), nasa 1,900 ektarya ng kabuuang 48,901 ektaryang taniman ng tubo sa lalawigan ang napinsala ng naturang insekto.
Dahil sa deklarasyon, maaaring gamitin ng pamahalaang panlalawigan ang quick response fund upang matulungan ang mga apektadong magsasaka at mapigilan ang pagkalat ng RSSI.



