Bumili ang Iglesia Ni Cristo ng isa na namang property sa Estados Unidos na dating kilala bilang Nevada Clinic. Matatagpuan malapit sa Las Vegas Strip ang gusali na gagamitin bilang district office ng dumaraming mga kaanib sa distrito ng Mountain States.
