Huli ang isang 18-anyos na lalaki sa Nueva Ecija na umano’y nasa likod ng mga online bomb threat sa ilang paaralan sa San Ildefonso, Bulacan.
Kasunod ito ng mga banta noong Hulyo 20 at 21 na nagdulot ng pangamba sa komunidad.
Narekober din ang cellphone na pinaniniwalaang ginamit sa pagpapakalat ng bomb threat. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Bomb Joke Law at Cybercrime Prevention Act.
📸: PRO-3

