Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista laban sa mga pekeng text message at website na ginagamit ng mga scammer para maningil umano ng bayad sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon sa MMDA, modus ng mga scammer na magpadala ng mensahe na nagsasabing malapit nang mag-expire ang kanilang traffic fine at nagbabanta ng 25% dagdag na multa kapag hindi agad nabayaran.
Nilinaw naman ng ahensya na walang interes o late payment charges ang mga tunay na NCAP penalty at ang MMDA_NCAP lamang ang lehitimong nagpapadala ng abiso para sa mga motorista.
📸: MMDA




