Handa ang defense team ni Vice President Sara Duterte na i-cross examine si Mary Grace Piattos, isa sa mga saksing ihaharap ng House prosecution sa Senate impeachment trial.
Ayon kay Atty. Michael Poa, layunin nilang ipakita sa pagtatanong na walang katiwalian sa paggamit ng confidential funds at sa mga pangalang lumabas noong mga pagdinig ng House Quad Committee.
Kabilang si Piattos sa 13 saksing inihanda ng prosecution para sa Article I, na tumatalakay sa umano'y maling paggamit ng ₱612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) noong 2022 hanggang 2023.


