As of 11 a.m., bahagyang humina ang Bagyong Luis habang nagbabaybay sa Philippine Sea, sa silangang bahagi ng Isabela, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa layong 165 km silangan ng Echague, Isabela na may lakas ng hangin na 45 km/h at pagbugsong umaabot sa 55 km/h. Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 15 km/h.


