Mag-aabot ang Canada ng $26 milyong tulong pinansyal sa Pilipinas para sa mga proyektong magpapalakas sa mga komunidad, agrikultura at mga lugar sa Luzon Economic Corridor.
Inanunsiyo ito ni Canadian Prime Minister Mark Carney matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Susuportahan din ng Canada ang mga nuclear project ng Pilipinas at palalawigin ang paggamit ng satellite technology para matukoy ang mga barkong sangkot sa ilegal at hindi naiuulat na pangingisda sa karagatan ng bansa.
📷 Prime Minister of Canada



