Pansamantalang sinuspinde ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang patakaran na nag-aatas ng karagdagang pagsusuri sa malalaking cash withdrawal na umaabot sa ₱1 milyon o higit pa.
Epektibo simula Nobyembre 13, mananatili ang suspensiyon hanggang Enero 31, 2027. Layunin nitong mapadali ang mga lehitimong transaksiyon at matugunan ang mas mataas na pangangailangan sa cash ngayong holiday season.
Gayunman, kailangan pa ring sumunod ang mga bangko sa mga patakaran laban sa money laundering at iba pang ilegal na aktibidad. Patuloy din nilang susuriin at imo-monitor ang mga kahina-hinalang transaksiyon.
Nilinaw ng BSP na maaari pa ring makapag-withdraw ng ₱1 milyon matapos ang kinakailangang beripikasyon.
📸 BSP



