Nagsagawa ng protesta sa paligid ng Liwasang Bonifacio sa Maynila ang mga katutubong Aeta, Igorot at ilang progresibong grupo bilang bahagi ng kanilang kampuhan laban sa proyektong Pax Silica at sa pagdating ni US President Donald Trump sa bansa.
Bitbit ang kani-kanilang panawagan, inikot nila ang paligid ng liwasan kasabay ng isinasagawang ASEAN Summit sa Pilipinas.
Tinutulan din ng mga grupo ang umano’y marahas na pag-aresto sa ilang raliyista sa Liwasang Bonifacio kahapon. Ayon sa kanila, mas marami sana ang nakilahok sa protesta ngayong araw kung hindi hinarang ang ilan nilang kasamahan.
via TJay Mendoza


