Isinailalim sa state of calamity ang walong lugar matapos ang sunod-sunod na collapse-fed pyroclastic density currents (PDCs) mula sa Bulkang Mayon noong Mayo 2 hanggang 5, ayon sa Albay Public Information Office.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Tabaco City, Legazpi City, Ligao City, at mga bayan ng Camalig, Malilipot, Sto. Domingo, Daraga, at Guinobatan.


