Inaapula pa rin ng mga awtoridad ang wildfire na sumiklab malapit sa Frejus sa Mediterranean coast ng France, kung saan napilitang lumikas ang mga residente sa ilang komunidad dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Ayon sa mga opisyal, umabot na sa humigit-kumulang 180 ektarya ang natupok ng sunog, na pinalala ng matinding init, matagal na tagtuyot, at malalakas na hangin.
Pansamantala ring sinuspinde ang ilang serbisyo ng tren sa apektadong lugar.
📸: Reuters


