May katamtamang tiyansang maging bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 1,630 km silangan ng Southeastern Luzon.
Sinabi ng state weather bureau na malaki din ang posibilidad nitong pumasok sa loob ng PAR ngayong hapon o bukas ng madaling araw at magdala ng mga pag-ulan sa bansa.


