Ayon sa PAGASA, magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Martes, Hulyo 21, sa Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at BARMM dahil sa habagat.
Habang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at natitirang bahagi ng Mindanao.

