Arestado ang tatlong suspek sa magkakasunod na buy-bust operation sa Valencia City, Bukidnon.
Unang naaresto ang isang 41-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱36,040.
Sinundan naman ito ng pagkakaaresto sa 21-anyos na lalaki na nakuhanan umano ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱42,160.
Nahuli rin ang isang lalaki na nakumpiskahan ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱42,160.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek para sa booking procedure at paghahanda ng mga kaso laban sa kanila.
📷: PNP Valencia City | via Pepito Artianza

