Bumigay ang bahagi ng flood mitigation structure sa Barangay Napnapan Sur, Tigbauan, Iloilo, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱139.7 milyon, nitong madaling-araw ng Martes, Agosto 11, kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Nadamay sa pagguho ang bahagi ng katabing bahay. Ayon sa residente at may-ari ng bahay, nakitaan nila ng mga bitak sa flooring ang lugar bago tuluyang bumigay ang istruktura.
Nangako ang mga awtoridad na tutulong sa pagpapagawa ng nasirang bahay na tinatayang nasa ₱80,000 ang halaga ng pinsala.
Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang DPWH kaugnay ng insidente.
📷: via Jame Jr.


